Monday, September 20, 2010

Natatawa ako sa mga tao na makikitid ang pag-iisip. Kung minsan kasi sila mismo yung gumagawa ng sarili nilang problema. Hindi nila muna pinapakinggan yung iba. Bigla silang gumagawa ng sarili nilang konklusyon kahit hindi pa nila naririnig yung buong kwento. Minsan hindi mo alam kung makitid ba talaga sila mag-isip o pinapakitid lang nila ito. Sinasarado agad nila yung mga utak nila. Hindi sila bukas sa kung ano mang sasabihin sa kanila. Nakakatawa sila. Nakakaawa. Nakakainis.

Pero ang isa pang nakakatawa at nakakaawa, minsan isa ako sa kanila.

Ngunit subalit datapwat. Kahit isa ako sa kanila, nakakainis pa rin sila.

No comments:

Post a Comment