Huwah!! :)) Gustong gusto ko talaga si Bumblebee! :"> yung sa unang movie pa lang ng Transformers eh siya na pinakagusto ko. Ang cute niya! Sana totoo siya? Ahaha. Gusto ko yung magpapatugtog siya para malaman yung nararamdaman niya. :P Basta love ko si Bumblebee!! :">
----------------------------------------
I want to be like Bumblebee. I find him simple. I know he's kind. This robot who can transform into an attractive yellow car. Who uses his stereo in his car to show his feelings. :) Who loves and values his friends. Who is naughty but/and fun to be with. :) I love him. :"> <3
If I will be given a chance to be who I want to be aside from being an anime character and live in an action adventure world with magical powers and great strength and wisdom, I want to be Bumblebee and save the world.
...gagawa ng bagay na alam mong ikakagalit nila. Lalo na kung alam mo na sa sarili mo na ayaw nila yun. Kung ayaw mong mapagalitan. Huwag kang magalit kapag napagalitan ka kasi ikaw din may kasalanan. Kung alam mo naman palang magagalit sila ba't mo pa ginawa?
Sana huwag nang magtatanong kung hindi din maniniwala. Ang sakit kasi eh. Kahit na nagsasabi ka ng totoo eh hindi ka rin naman paniniwalaan. Minsan nakakababa ng dignidad. Parang lahat na lang ng sasabihin mo eh mali – kasinungalingan. Kung gusto kong kunin ang tiwala ng isang tao, hindi ako gagawa nang paraan na ikasisira nito.
Minsan, ang bagay na pinakanasasaktan ako eh yung walang tiwala sakin. Hmph. Kahit nga ako walang tiwala sa sarili ko eh.
Pero aaminin ko naman na minsan eh kailangang magsinungaling. Hindi dahil sa gusto kundi dahil sa kailangan. May mga bagay na kailangang takpan para hindi na makasakit. Pero huwag lang gagatungan kung hindi ay mas lalong lalala ang problema.
--nung holy week ko pa to nagawa kaya lang hindi ko napost at nag-aantay ako nang panahon kung kailan ko mararamdaman to ulit. :P At naramdaman ko nga kahapon pero nakalimutan ko. :))
Friday, April 9, 2010
May mga bagay na bago mo makuha eh dapat may isakripisyo ka muna. Minsan naman hindi mo sinasadya na bitawan ang ibang mga bagay eh. Kung minsan kasi ay mayroong mga bagay na mas una mawala bago may bumabalik. Kagaya na lang nang pagpili ng iyong pinakaprayoridad. O kaya naman ay mas kailangan mo munang gawin ang ibang bagay bago mo magawa ang iba pa. Depende naman sa tao iyon kung mas uunahin niya yung pinakamahirap o yung pinakamadali. Ang hindi lang mawawala eh yung sakripisyo na magagawa upang may makamit.
Napaisip lang ako bigla. Totoo ba na pera pera na nga lang sa panahon ngayon? Na lahat ay nabibili ng pera?
Kung totoo man, sana mabili ko yung mga oras at panahon na gusto kong baguhin sana mabili ko yung mga tamang salita na kailangan sabihin
Magkano kaya? Kung sakaling pwede nga bilhin ang mga ganoong bagay
Pero mukhang hindi din pwede. Dahil kung magkakaroon man ng ganitong pagkakataon ibig sabihin ay binigyan din natin ng karapatan ang iba na gumawa ng mali dahil sa pwede rin naman ito ibalik at palitan.
Nakakainis kasi dahil sa mayroong mga problema na sinosolusyonan pero ang hindi natin alam ay kapag nasolusyonan na ay nagdudulot pa ng panibagong problema. Kung minsan, ang solusyon ang nagiging problema. Pero kapag hindi naman nasolusyonan eh lalong lalala.
Magkakadugtong talaga ang mga bagay bagay sa mundo. Parang isang domino.Lahat konektado. Lahat apektado.
Pinili ko ang desisyon kung saan eh sa tinggin ko magtatagal tayo. Kahit na mukhang kabaligtaran ang kinalabasan sa ngayon. Para sa akin eh eto talaga muna ang gusto ko. Alam kong biglaan at sana maintindihan mo. Marami pang mga bagay na mangyayari. Eto pa rin ako. Andito lang kung kailangan mo.
Gusto ko sana ito i-comment sa blog mo as anonymous pero mukhang bawal.
"You can stay whenever you want. I'll give you all the time you need to mend your pain. And God will not punish you. He wouldn't. And it's you who gave everything."
Hindi ko sinasabi na tama ang desisyon ko. Immature pa talaga ako. I need time to grow. Yung tungkol dun sa problema ko na hindi ko masabi, mayroon lang talagang mga bagay na yung tao o mga taong involve dun eh sila din ang kinakailangan para maghilom yung sugat sa puso ko. Hindi lahat nadadaan sa panahon. May mga bagay na kung minsan kahit nasira na ay pilit pa rin na binubuo at mga bagay na kapag nabuo na muli ay ibang iba na mula sa orihinal nitong struktura.
At ang sagot ko sa tanong mo kung "i" o "o" tsss. "O" yun. O at O.
Sobrang saya ko kanina. Natuwa ako masyado sa mga kapitbahay namin lalo na yung mga bata na sumigaw ng "yehey!" Bigla kasing nagbrownout sa amin. Tapos pagabi na nun. Bihira na lang kasi sa amin mangyari yung magbrobrownout ng gabi eh. Tanghali na kasi minsan kung magbrownout.
Nung nagbrownout eh kumain na kami. Namiss ko yung kakain kami na flashlight yung nagsisilbing liwanag sa bahay. Tapos maingat kung gumalaw lalo na paakyat at pababa ng hagdan. Nakakatuwa talaga. Tapos pumunta kami sa terrace. Ang lamig! Ang sarap ng hangin. :) Tapos nakikita namin yung mga bata sa labas na naglalaro kasi mainit sa loob ng bahay nila. Nakakatuwa kasi naalala ko yung mga bata pa kami. Noong nagbrownout eh lumabas ang buo naming mag-anak pati yung mga kapitbahay tapos nagkwentuhan kami. Kaming bata eh naglalaro ng kung anu ano. Ang pinakamasaya eh yung nagtagutaguan kami. Ahaha! Ang saya talaga maging bata!
Sana maging bata ako ulit. Yung kokonti pa lang yung pinoproblema. Yung pwede maglaro buong maghapon.
Yung walang inaalala.
Kaya nung biglang nagkailaw sa amin eh napasigaw rin kami ng kapatid ko ng "YEHEY!" :)) Ang saya kasi eh. :)
Kelan lang, pinagalitan ako. Aha. Hindi ko alam kung sobrang laking kamalian ang nagawa ko pero ang pinili ko lang naman ay yung sa tingin kong tama. Kaya ayun. Eto ako ngayon. Sa tuwing naaalala ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit sakit. Yung sugat eh bumubuka ulit at sinasabi na, "Hello, eto ako. Suwail ka kasi kaya mo ako nakuha." Ta'ina!
Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga. Ngayon alam ko na. Ayaw ko na talaga. Sawa na 'ko. Ewan ko. 'Di bale na. Wala na akong pake. Wala na talaga. Ayoko na. Ayoko na.