Sa wakas. Eto na rin. Magsisimula na'kong magblog.
Nitong mga nakaraang araw kasi ang daming tumatakbo sa isipan ko. Ang dami kong naiisip. Sabi nga niya sakin kahapon, "Ang curious mo sa mundo."
Hay..
Kailangan ko bang magpakilala? Ewan ko. Dahil blog ito, gagawin ko ang tamang paraan sa pagsusulat kagaya ng sa mga punctuation. Wala namang sinabi na kung anong lenguwahe lang ang dapat gamitin diba? Kaya gagamitin ko ang lenguwahe kung saan mas maipapahayag ko ang aking mga saloobin.
Ang tagal ko pang nagdesisyon kung gagawa na ba ako ng account sa blogspot o blogger. Eh pareho lang naman pala iyon.
ayun, naisip kong magblog para masabi o maisulat ang kung ano mang nasa isip at damdamin ko sa mga sandaling may biglang pumasok sa aking isip. Ang hirap kasi ng pakiramdam ng may iniisip ka pero hindi mo alam kung kanino sasabihin. Ayaw ko naman na sinasabi ang lahat ng mga bagay bagay sa mga tao, may kani-kaniyang problema din naman sila diba? Hindi lang ako ang may problema. Isa pa ay hindi ako masyadong open sa ibang mga bagay. Inuunahan kasi ako ng hiya at ilang. Siguro nga ay hindi ko pa kilala kung sino talaga ako.
Isa pa, may nabasa o nakapagsabi kasi sa amin dati noong hayskul pa lamang ako na mas maganda daw kung isusulat namin ang mga nasa isip namin kahit na maliliit na salita lamang. Kung minsan kasi ay dun tayo nakakagawa ng mga kwento. Atsaka sumasakit na rin ang ulo ko kakaalala kung ano yung nasa isip ko kamakailan eh.
Eto pa. Para naman may bago akong mapaglibangan bukod Facebook at iTunes.
So, pano na yan? sisimulan ko na. Huwag niyo naman po sana akong pagtawanan kung mali mali ako. Tao rin naman ako, nagkakamali din. May gatas pa sa labi ika nga. :) Ipagpaumanhin nalang kung madrama ako. Ito lang siguro yung naiisip ko na labasan ng mga hinaing ko sa buhay.
No comments:
Post a Comment