Monday, February 1, 2010

Bakit nga ba?!


Eto na naman tayo. Nag-aaway dahil sa internet connection. Hindi ba kayo nagsasawa? Ang punto ko lang naman, puro laro inaatupag niyo. Eh ako, may mga panahon na gumagawa ako ng mga takdang aralin. Inaamin ko naman na puro lang ako chat, FB, Multiply, lalong lalo na ang panunuod ng mga movies at anime thru net. Kaya lang naman kasi, may mga panahon na nasa bahay lang kayo at naglalaro magdamag samantalang ako ay nasa labas. Tapos pag-uwi ko pa bawal pa rin mag net? IMBA! Ahaha.

Hindi naman sa nagagalit ako. Naiintindihan ko rin naman kayo na online game yan at grabe sa lag yung nilalaro niyo kapag nagnenet nako. Hindi rin naman lingid sa aking kaalaman na nagpapaunahan kayo maglevel-up at lumakas. Kaya lang kasi, ayaw ko na rin na nag-aaway tayo ng dahil sa net. Hay..

Eto na nga. Pinaupgrade o pinataasan yung mbps ng dsl natin. Sana umepekto na. Sana hindi na mahati yung net connection. Sana sa susunod eh mas marami pakong mapanuod sa net, maupload na pictures at videos. Bwahahaha. >:)

Ahaha. Peace lang ma-men. :P aminado naman ako na kasalanan ko din. Sorry naman. :P >:]

No comments:

Post a Comment