Sunday, May 9, 2010

:| :(

:'( Ang sakit sakit ng katawan ko. :'( Para akong may sinat pero wala naman kasi ang temperature ko ay 37.0 degrees Celsius. Pero kanina yon, ngayon parang hindi. Pabago-bago ata temperatura ko sa katawan. Bunga rin siguro ito nung kagabi. Hindi talaga ako makatulog. Hindi ako mapakali hapon pa lang kahapon. Ang sakit sakit talaga ng ngipin ko. :'( Sa sobrang sakit ilang beses na akong umiyak. Nakakainis. 12:10am+ na nga akong nakatulog tapos magigising pa ako ng 1:45am. :'( Saglit lang tapos ako magising ng sumakit ulit mga ngipin ko. This time hindi na ako pinatulog ng mga ngipin ko sa sobrang sakit. Narinig ko ng kumakahol yung mga aso pero hindi pa rin ako nakakatulog. Natatakot pa ako kasi malapit na ata mag3am. Ayaw ko lang na magising o gising sa oras na yon. Hindi ko alam kung anong oras nang makatulog ako ulit. Pero naalimpungatan pa rin ako tapos kumikirot ulit. Pero nakakatulog na ako agad. Ngayon kumikirot na lang pero ang sakit naman ng katawan ko. :( Sumasakit yung mga ngipin ko kapag kumakagat ako. Parang yung nagbraces na ako dati. Hindi rin ako makakain ng maayos.

Hindi ko talaga ineexpect na sasakit ulit tong mga ngipin ko. Yung mga ngipin kasi na sumasakit sa akin ay yung mga ngipin din na sumakit noong nasa 4th year highschool ako. Mas masaklap yon kasi mas grabe yung sakit tapos magtatalong araw na rin ata sumasakit yun. Tapos nataon pa sa araw na pinakamasakit eh nung mayroon kaming Org Meeting sa ZONTA. Magdadance number pa naman kami dun at gumagawa din ng mga props. Nakakailang inom na ako ng tubig non kas sa tuwing sumasakit eh pinapadaanan ko ng malamig na tubig yung mga ngipin ko. Nalala ko pa na awang awa na mga kaklase ko sakin. :)) Hindi talaga ako nagsasalita non. Tapos nung kakain na kami eh hindi ko inubos yung mga pagkain na nilagay sa plato ko. Hindi talaga ako makanguya ng maayos. Syempre naman pumunta ako ng dentist ko non. Pinastahan yung 3rd molar ko kasi yun yung pinakamasakit. Temporary lang nung una tapos pagkalipas ng isang linggo ay gagawin ng permanent yung pasta kapag hindi na kumikirot. Tapos nun ay naging ayos na.

Hay. Magdadalawang taon na tapos nun tapos sumasakit na naman sila ngayon. Naisip ko na tinutubuan ako ng ngipin pero sa pagkakaalam ko ay puro na permanent mga ngipin ko. Dapat pupunta ako ng dentist ngayon pero hindi na lang. Kung bubunutin man o root canal ang gagawin aya ayos lang sakin, huwag lang ulit sumakit mga ngipin ko. Isa pa ay sinuot ko yung retainers ko ngayon para kapag kumakagat ako ay hindi gaanong masakit. Hay. Sana hindi tooth decay o gingivitis. :( Takot talaga ako sa mga dentista. :((

Karma ko na rin siguro to kasi naging masama akong bata. But I have my reasons. "First impression lasts" ika nga ni Vice Ganda. Wrong timing kasi sila. Mali pa ginagawa nila. Ang what they have done is a big no-NO to me. Pwede naman kasi magpaliwanag eh. Magbigay ng mga detalye. Kaso ayaw sagutin yung mga tanong. Kaya ewan ko sa kanila.

:'( Ang sakit talaga ng ngipin ko. Ang sakit ng katawan ko. :'(


PS. HAPPY MOTHERS DAY SA LAHAT MGA NANAY, INA, MOTHER, MOMMY, LOLA! MA, I LOVE YOU. :) SALAMAT SA LAHAT KAHIT PASAWAY AKO. KAHIT NA TAMAD AKO. kAHIT GANITO AKO MAHAL KO KAYO. :)

No comments:

Post a Comment