Naiinis na talaga ako. Hindi na nga sumasakit pero ang baho naman. Bakit ko pa aantayin na sumakit ulit kung alam ko naman na ang pag-asa na lang ay bunot o root canal. Syempre bunot gusto ko although nanghihinayang ako sa ngipin ko. But i have no choice. Kahit na kumbinsi ako ng artikulo na ito http://www.doctorspiller.com/root_canals.htm#What%20is%20a%20Root%20canal ay ayaw ko pa rin. Bukod sa mahal ay hindi lang siya isang session. Depende pa ata iyon.
Isa pa na kinaiinisan ko ay yung dentista. Hindi na kami dun sa dentista ko kasi mahal siya maningil at isa pa ay nawalan na ako ng tiwala sa kanya. Pakiramdam ko lahat ng dentista ay binobola lang kami. Kagaya nitong dentista na pinuntahan namin ngayon. Bago niya lagyan ng pasta ang mga ngipin ko ay tinignan ko ito. Nakita yung lalim at sa gilid ay may mga itim pa rin. Sanabi ko iyon pero ang sabi sa akin ay kaya ko pa ba? Ininsulto pa ako kasi ang sabi sakin namimilipit na nga raw ako sa sakit eh. Tapos niyaya niya ako na injection-an ng pampamanhid. Ayos sakin iyong ideya kaya lang hindi ako nakasagot agad kasi pumasok sa isip ko yung bayad - kung meron ba at magkano o wala. Pero bago pa ako makasagot ay sinabi niya sa akin na tiisin ko na lang daw. Kaya nung nilagyan niya ako ng pasta ay mayroon pa ring itim sa mga ngipin ko. Sa totoo lang ay 2nd molar ko sa baba yung nakita ko. Pero pinakita niya rin sa akin yung wisdom tooth ko sa taas na mas grabe yung lala. Bukod sa itim ay nagnanana daw. Malalim na talaga yung butas at may mabahong amoy na lumalabas dun. Sabi nga niya ay root canal o bunot pero habang hindi pa ako nakakapagdesisyon ay lalagyan muna ng pasta na temporary.
Ang pakiramdam ko ngayon, mas ayos pa sakin yung magkasakit ako dahil sa baba ng resistensya ko. Huwag lang talaga sa ngipin. Alam ko na mali dahil yung iba nga ay mayroong mga malulubhang sakit pero ang pakiramdam ko sa ngayon ay wala itong ipinagkaiba sa ganon. Ayaw ko talaga ng niloloko ako. Nakakainis. Sa ngayon ay parehas na may pasta yung mga ngipin ko pero yung sa ibaba ay masakit pa rin at yung sa itaas ay mayroon pa ring mabahong amoy - yung amoy na nasusunog na bakal o gulong o ewan. Nakakainis talaga. Ba't hindi ako gaya ng iba particularly si papa na kumpleto pa yung mga ngipin? Kahit na may sobra at hindi pantay ay ayos lang sa tinggin ko kasi hindi naman sumasakit at mukang matitibay. Nakakainis talaga. Lalo pa na hindi lang dalawa yung sumasakit na ngipin ko. Ayaw ko na talaga.
-------------------------------------------
Dati pa na sumasakit mga ngipin ko pero hindi ko sinasabi dahil sa kawalan ng tiwala ko sa mga dentista at sa gastusin. Isa pa ay kamag may nararamdaman ako na sakit o kaya naman ay may sakit ako hindi ko sinasabi sa kanila dahil sa ang nasa isip ko ay mawawala rin iyon o kaya naman ay gastos na naman. Ayaw ko talaga na nagiging pabigat pagdating sa gastusin. Alam ko yung hirap nila para kumita kaya hanggat maari ay ayaw ko na gastusin iyon sa pagpapadoktor o check-up. Ngayon nga ay hirap ako magbukas ng bibig at sumubo. Sumasakit yung panga ako. Sana huwag naman ito yung case ng jaw lock o kaya naman ay yung ooperahan yung panga. Ayaw ko talaga. At kahit na masakit ay ipinapakita ko sa kanila na wala lang. Kapag may masakit sa akin ay walang nakakaalam o kung meron man ay iilan lang. Kahit na nilagnat ako kagabi ay hindi alam ng mga magulang ko, kaming dalawa lang kapatid ko at hindi ko sinabi kina mama at papa kahit na pinipilit pa ako ng kapatid ko. Ang akin din kasi kahit na masaktan ako physically ay physically, spiritually, emotionally at mentally naman sila masasaktan. Pabigat kumbaga. At para huwag sila mag-alala sa akin ay masigla ako kumilos at magsalita ngayon kahit na pilit lang. Kaya sana pagalingin na ako ni Papa Jesus. Ang sakit na talaga. Ayaw ko na maulit to. Please. Mawala na sana pananakit ng mga ngipin at panga ko. Please.
No comments:
Post a Comment