Saturday, November 20, 2010

-_-

Ang hirap pag lagi na lang ikaw umiintindi. Naghahanap ka ng tao na iintindi din sayo. Kaya kahit marami ang umiintindi sayo eh hindi mo pa rin maintindihan. Akala mo sila ang hindi nakakaintindi, kaya hindi kayo nagkakaintindihan. Kakaintindi mo sa iba, hindi mo na naiintidihan ang sarili mo. Akala mo maintindihin ka pa rin, pero ikaw na ngayon ang hindi marunong umintindi. Problema ng iba, buhat mo. Problema mo lalo mong pinoproblema. Wala ka na tuloy maintindihan. Kapag hindi ka naman umiintindi makitid ang tinggin mo sa sarili mo. Pano mo ngayon iintindihin ang iba kung sarili mo hindi mo maintindihan?

Ang baliw ko. kausap ko sarili ko. Para sakin ang lahat ng to. Gusto kong maintindihan kung ano na ba nangyayari sa mundo. :|

No comments:

Post a Comment