Saturday, April 9, 2011

:">

Sobrang saya ng araw na ito. Una gumising ako ng maganda ang gising. Yung tipong pagdilat ko ang ganda ng bati ng umaga kahit makulimlim ang kalangitan pero alam kong ayaw ko na matulog. Haha. :)) :P Tapos naging productive ang araw ko. Natutuwa pa ako sa mga napanuod ko sa Animal Planet, Cartoon Network, at MTV.

Ang ganda ng kanta sa Pokemon Movie yung tungkol kay Jirachi na "Make a Wish." :">
Sobrang nakakahigh (para sa akin) kanta ng Sum 41; "The Hell Song" at "Still Waiting." :D Tapos ang dami daming tao sa concert nila!! \m/ Ako din someday pupunta ako sa mga concert ng banda! \m/
Imba ng adventures ng mga nageexplore sa mundo para sa mga hayop. :-bd
Sabayan mo pa ng coke at spanish bread habang nanunuod. Ahh~ Happiness! :D

Meron pang humingi ng tawad sa akin. :)) Masaya sa pakiramdam na wala kang kagalit. :)

Lalo pang gumanda ang araw ko dahil sa sunset. :"> Lalo ko namiss pagpipinta. :) Kukuhanan ko sana ng litrato kaso kapag umalis ako alam kong pagbalik ko eh magbabago na naman itsura ng langit. Kaya sa memorya ko na lang nilagay. :) Nais ko rin gumuhit dahil hindi naman ako talaga bihasa sa pagpipinta. Kung minsan lang talaga ay gumagawa tayo ng mga bagay na magpapaligaya sa atin. :) Ang ganda ganda ng langit. Asul. Pula. Dilaw. Para talagang ipininta ang langit. :)

At higit sa lahat, malamig ngayon. :) Simula nung madaling araw hanggang sa magtakip silim. Ang lamig ng hangin. Masarap sa pakiramdam. :)

No comments:

Post a Comment