Sunday, April 10, 2011

Paalaala: Ika'y Dumistansya


May mga tao na makita mo lang eh naiinis ka na. Yung wala namang ginagawa sayo pero nasasaktan ka. Kahit mabasa mo lang pangalan nila eh parang masisira na araw mo. Marinig mo lang pangalan nila eh biglang nagiging blanko pakiramdam mo. Kahit hindi ka niya kilala at wala kang balak makipagkilala sa kanya o di naman kaya ay magkakilala kayo at minsan ka na niyang binalewala at sinira ang iyong tiwala. Na sa inis mo ay maiiyak ka na lang kasi pakiramdam mo talo ka kasi apektado ka lagi eh. At kahit anong isip mo kung bakit ay hindi pa rin sapat ang mga dahilan mo para huwag mainis.

No comments:

Post a Comment