Wednesday, October 26, 2011

Overpass



Sa tuwing ako may lakad ay hindi ako pinapayagan dahil sa delikado ang aking biyahe pauwi. Kung minsan kasi o madalas ay gabi na ako nakakauwi. Hindi naman sobrang gabi pero madilim na. (Kaya nga madilim na kasi gabi. :P) Nakakatakot umuwi ng gabi. Natatakot pa ako sa daraanan ko pauwi. Dumadaan ako sa overpass kapag pauwi na - depende iyon kung saan ako galing pero mas madalas ako dumaan ng overpass. Natatakot ako dumaan doon kapag gabi na. Yung kaklase ko kasi noong hayskul ay nagkwento sa amin na yung pinsan niya daw ay naholdap dun sa overpass. Sakto pa na may dalang mga gadgets yung pinsan niya. Babae pa. Kaya nakakatakot. Ayaw kong mangyari sakin yon.

Pero ngayon, naglipana na ang mga overpass sa may commonwealth. Magandang proyekto ito dahil bukod sa ligtas ang mga tao sa pagtawid ay maiiwasan din o mababawasan ang bilang ng mga nasasagasaan. Kaya nga itinuring na "killer highway" ang commonwealth eh. May problema nga lang. Walang mga ilaw dito kaya takot pa rin ang mga tao na gamitin lalo na kapag madilim. Maaaring pamugaran ito ng mga magnanakaw o ng mga manyak.

Mas maganda talaga ang may overpass. Minsan nga lang, imbis na mas maabilis ka sa pagtawid ay mas mapapabagal ka pa nito dahil sa naglipana din yung mga tindero at tindera. Lumiliit tuloy yung daanan. Minsan pa makikipagsabayan o kakabahan ka na lang kapag nagtatakbuhan na sila dahil hinuhuli na sila ng mga taga-MMDA.

Siguro ang suwestiyon ko lang dito ay mas matibay na overpass, mas kaayaaya tignan (hindi naman yung tipong sobrang makulay), mga tanod na nagbabantay sa mga tumatawid at nagpapaalis ng mga tindero, tindera, at ng mga paninda nila.

No comments:

Post a Comment