Apat na araw na ang nakakalipas mula nang umalis si papa
para magtrabaho muli bilang isang seaman – isang OFW. At kagabi lang ay
nakausap naming siya gamit ang Skype. Masaya malaman na ayos na nakarating si
papa sa ibang bansa at mabuti ang kanyang kalagayan doon.
Naalala ko nung gabi
bago ang biyahe ni papa paalis. Pauwi na ako nun galing sa eskwelahan. Masakit
sa pakiramdam. Mabigat sa loob. Lalo na kapag iisipin na matagal na naman mula
bago naming muling makasama si papa.
Isa lang ako sa mga libu-libong may kamag-anak na OFW. Mga
Oversea Filipino Workers na kumakayod sa pagtratrabaho para lang kumita ng pera
at maipadala ito sa Pilipinas para sa matustusan ang mga pangangailangan ng
pamilya nila.
May mga mabuti ring naidudulot ang pagiging isang OFW.
Kumikita sila ng malaki sa ibang bansa na maaring ipadala dito sa Pilipinas at
ang pera naman na iyon ay ipinapapalit sa peso. Meron din silang remittances na
nakabubuti sa ekonomiya ng Pilipinas. At nakatutulong din sila sa ibang bansa sa
mga serbisyo na kanilang ibinibigay. Mga bayani ng ating bansa.
Ang mga naiiwan na kaanak naman sa Pilipinas ay nasasaktan
at nalulungkot. Madalas ang pagkakataon na mag-aalala sa mga kaanak na OFW. Ipinagdadasal
n asana ay lagi silang nasa mabuting kalagayan.
Para sa mga bata na kagaya ko, hinahanap hanap naming ang
aming mga magulang. Ang kanilangg pagmamahal. Ang kanilang gabay. Hindi madali
para sa amin ang lumaki na wala sila. Ganun din naman ang kanilang
nararamdaman. Para sa akin, ang magagawa na lang namin ay suklian ang paghihirap
na kanilang ginagawa sa pamamagitan ng pagbibigay karangalan sa aming pamilya.
Ang bigyan sila ng kasiyahan sa pagbabahagi ng mga balita tungkol sa aming
pag-aaral at buhay. Ang panatilihin ang komunikasyon. At ang huwag kalimutan
ang pagmamahal nila para sa amin at ang gumawa ng mga desisyon na hindi
makakasama sa pamilya lalo na sa sarili. Dahil ang alagaan at ingatan ang
sarili ay isa sa mga paraan upang mapanatag ang loob ng mga kaanak sa ibang
bansa.
Marami man ang panahon na lumipas upang sila’y muling
makapiling, kailangan namin itong hintayin at abangan ang kanilang muling
pagbabalik. At sa kanilang pagbabalik, ang labis na saya sa puso sa pagkabuo
muli ng aming pamilya ay muling manunumbalik.

No comments:
Post a Comment