Kahapon, ika-8 ng Marso taong 2012.
General assembly II naming sa Finance. Ang daming
nagtatanong kung bakit dalawa GA naming samantalang ang ibang majors ay isa
lang. Ang nasasagot ko na lang ay hindi ko alam at marahil ay dahil na din sa
magbibigay na sila ng mga awards para sa mga nanalo para sa sportsfest namin.
Kung anu man ang dahilan kung bakit kami may GA II ay siguradong magiging masaya
ito.
Nakakatawa ang GA II namin dahil loko ng isa naming
professor na iba daw talaga kapag live. :)) Ang dami kasing nakakatawa na
pangyayari sa simula ng programa. Tapos nun ay puro nga awarding at
recognition. Ngunit ang pinakanapansin ko sa GA II ay ang nagging pamamaalam ng
mga executive officers ng JFINEX. Pinakita sa AVP ang mga litrato nila sa
simula ng school year tapos nun ay mga graduation pictures nila. Nakakaiyak
yung AVP dahil tapos nun ay namaalam na sa tungkulin ang mga officers – “I am
(name), your (position), now signing off.”
Ngunit sa bawat pamamaalam ay ang pagsalubong sa mga bagong
kasamahan. Pagkatapos kasi ng GA II ay tumambay pa kami malapit sa may field.
Sa may grandstand ay napansin ko yung mga YJ o Yellow Jackets. Sila yung mga
nagchecheer sa mga contest lalo na sa UAAP bukod sa Salinggawi. Bumilang sila
ng pabalik at pagdating ng 1 ay binuhusan nila ng tubig mula sa baso yung mga
bagong miyembro ng YJ. Ang saya saya nila lalo na nung mga bagong bahagi ng YJ.
Dun ay naisip ko na masakit ang mamaalam at masaya ang
maging kabahagi. Parang buhay – may mamamatay at mabubuhay. Pero ang pinaka
importante ay yung karanasan na babaunin mo habang buhay.
No comments:
Post a Comment