Sunday, March 28, 2010

Halaga

Ang aking ilong ay sensitibo sa mga amoy. Bigla kong pinipigilan huminga kapag may naamoy akong hindi kaayaaya. Kagaya ng pintura, usok ng mga sasakyan, basura, at usok ng sigarilyo. Mabilis sumakit yung ulo ko kapag nakakaamoy ako ng usok mula sa sasakyan at sigarilyo kaya taliwas ako sa paggamit ng mga ito.

Sa mga sasakyan ay hindi na ito maiiwasas alam ko. Kaya lang ay mga sasakyan na itim na ang inilalabas na usok na sadyang nakakarumi at nakaksira ng ating kaaligiran at hindi kaayaayang maamoy. Isa pa ay sana ipagpalaganap ang paggamit ng mga bisekleta at mga Mass Tranportation kagaya ng LRT at MRT. Tuloy tuloy kasi ito sa pagandar kahit kokonti lang ang sakay. Sayang din kasi yun.

Sa mga sigarilyo naman ay nais kong malaman kung ano ba ang naidudulot nitong ginhawa sa mga sumusubok nito? Siguro naman ay alam nila kung ano ang maaring maging epekto nito sa kanilang katawan at kalusugan ngunit patuloy pa rin sila sa paggamit nito. Noon ay sinisisi ko ang mga kumpanya na gumagawa nito ngunit ang sabi sa akin ay isa itong negosyo. Napagkikitaan at mabenta. Ngunit wala bang ibang produkto na mapagkikitaan na hindi nakakasira ng kalusugan?

Ang masama sa paninigarilyo ay mayroon itong first degree, second degree at third degree smoking.

Ang first degree smoking ay yung mga direct user ng sigarilyo. Sila ang pinakatinatamaan ng mga negatibong epekto ng paninigarilyo.

Second degree smoking ay yung mga hindi naninigarilyo ngunit nalalanghap ang usok mula sa sigarilyo dahil sa malapit ang distansya ng naninigarilyo sa iyo. Masama pa rin ito sapagkat nakakalanghap ka ng amoy ng sigarilyo. At mas mataas ang risk dahil sa walang kang filler na gamit kapag naaamoy mo ito. Direkta ang tama sa iyo kaya hindi ka pa rin ligtas sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo.

Sa third degree smoking ay yung dumidikit ang amoy ng sigarilyo sa mga gamit. Kahit na kanina ka pa nanigarilyo ay maamoy pa rin ang usok na galing sa paninigarilyo dahil sa dumikit ito sa mga gamit kung saan nanigarilyo. Delikado rin ito dahil para rin itong second degree, nagkaiba lang dahil sa tapos na sa paninigarilyo.

Kahit siguro na anong iwas mo sa mga ganitong bagay ay may mga pagkakataon talaga na maeexpose ka sa mga ganito. Ang nakakaasar lang ay yung sensitibo na nga ilong ko ay makakaamoy pa ako ng mga ganun. Lalong lalo na sa sigarilyo. Madikit lang ako ng matagal sa tao ay nalalaman ko kung nanigarilyo o hindi. Sa totoo lang ay nababahuan ako sa amoy nila tapos nila manigarilyo. Iba talaga yung amoy ng mga sigarilyo. Kaya minsan ay naiiyak na lang ako kapag nakakaamoy ako ng sigarlyo kahit na anong degree pa yan. Ayaw ko lang kasi nung risk sa kalusugan. May mga bagay kasi na iniingatan mo pero iba naman yung sumisira. Nakakaasar lang. Kahit gaano mo pangalagaan ay iba naman yung nakakagawa ng paraan para masira ito. Yung bagay na mahalaga para sa'yo ay binabalewala lang ng iba. Mga bagay na pinakaiingat ingatan mo at yung iba ay hindi alam yung halaga no'n para sa'yo.

No comments:

Post a Comment