Wednesday, March 31, 2010

Laro.!! >:]

Ang hirap humanap nang mapaglilibangan ngayong bakasyon. Nakakasawa na rin yung laging nakaharap sa kompyuter. Gusto ko sana maglaro kaya lang wala akong mahanap na site na pwede download-an ng NDS games.

Namiss ko tuloy yung summer ng 2008. Ideal summer ko yun. Nung mga panahon kasi na yan eh hindi mainit, may bagyo kasi. Natutuwa ako kasi malamig tapos makulimlim palagi at umuulan. Ang nakakatakot lang nun eh may lumilipad pa na yero sa amin. Sobrang lakas pa ng hangin kaya sobrang tuwa ko. Syempre para sa iba hindi maganda iyon, pero kasi mas gusto ko ang paligid kapag makulimlim o maulap, malamig at malakas ang hangin, at kung minsan ay umaambon. Isa pa dahil sa isip bata ako at bawal lumabas ng bahay eh naglalaro lang ako sa loob ng bahay. Kung anu ano ng nalaro ko sa NDS.

Isa sa mga paborito kong nilalaro noon eh yung “The World Ends With You.” Sobrang ganda! Hindi boring laruin kasi RPG. Maganda yung effects, story, laro, sounds, characters. Basta maganda!

Tapos yung isa pang kinahuhumalingan ko na laro eh yung “Rune Factory 2.” Hango siya sa harvest moon pero may story na. Sobrang ganda din! May adventure. Tapos meron pa siyang 2nd generation. Yun yung magkakaroon ng anak yung gamit kong char tapos ‘pag malaki na yung anak eh yung anak naman yung gamit kong char. Ang cool talaga.

Kaya lang, wala na yung saved game ko sa dalawang laro na yon. Binura ni kuya kasi may bago na naman siyang laro. Tapos ko yung “The World End With You” pero pwede pa rin siya ituloy kasi meron mga secret events na pwede lang makita ‘pag natapos yung laro. Tapos yung sa “Rune Factory 2” naman eh nasa second generation nako. Sayang nga eh kasi ang taas na nang level ng char ko. Tsk.


No comments:

Post a Comment