Sana huwag nang magtatanong kung hindi din maniniwala. Ang sakit kasi eh. Kahit na nagsasabi ka ng totoo eh hindi ka rin naman paniniwalaan. Minsan nakakababa ng dignidad. Parang lahat na lang ng sasabihin mo eh mali – kasinungalingan. Kung gusto kong kunin ang tiwala ng isang tao, hindi ako gagawa nang paraan na ikasisira nito.
Minsan, ang bagay na pinakanasasaktan ako eh yung walang tiwala sakin. Hmph. Kahit nga ako walang tiwala sa sarili ko eh.
Pero aaminin ko naman na minsan eh kailangang magsinungaling. Hindi dahil sa gusto kundi dahil sa kailangan. May mga bagay na kailangang takpan para hindi na makasakit. Pero huwag lang gagatungan kung hindi ay mas lalong lalala ang problema.
No comments:
Post a Comment