Pinili ko ang desisyon kung saan eh sa tinggin ko magtatagal tayo. Kahit na mukhang kabaligtaran ang kinalabasan sa ngayon. Para sa akin eh eto talaga muna ang gusto ko. Alam kong biglaan at sana maintindihan mo. Marami pang mga bagay na mangyayari. Eto pa rin ako. Andito lang kung kailangan mo.
Gusto ko sana ito i-comment sa blog mo as anonymous pero mukhang bawal.
"You can stay whenever you want. I'll give you all the time you need to mend your pain. And God will not punish you. He wouldn't. And it's you who gave everything."
Hindi ko sinasabi na tama ang desisyon ko. Immature pa talaga ako. I need time to grow. Yung tungkol dun sa problema ko na hindi ko masabi, mayroon lang talagang mga bagay na yung tao o mga taong involve dun eh sila din ang kinakailangan para maghilom yung sugat sa puso ko. Hindi lahat nadadaan sa panahon. May mga bagay na kung minsan kahit nasira na ay pilit pa rin na binubuo at mga bagay na kapag nabuo na muli ay ibang iba na mula sa orihinal nitong struktura.
At ang sagot ko sa tanong mo kung "i" o "o" tsss. "O" yun. O at O.
No comments:
Post a Comment