Napaisip lang ako bigla. Totoo ba na pera pera na nga lang sa panahon ngayon? Na lahat ay nabibili ng pera?
Kung totoo man,
sana mabili ko yung mga oras at panahon na gusto kong baguhin
sana mabili ko yung mga tamang salita na kailangan sabihin
Magkano kaya?
Kung sakaling pwede nga bilhin ang mga ganoong bagay
Pero mukhang hindi din pwede. Dahil kung magkakaroon man ng ganitong pagkakataon
ibig sabihin ay binigyan din natin ng karapatan ang iba na gumawa ng mali dahil sa pwede rin naman ito ibalik at palitan.
Nakakainis kasi dahil sa mayroong mga problema na sinosolusyonan pero ang hindi natin alam ay kapag nasolusyonan na ay nagdudulot pa ng panibagong problema. Kung minsan, ang solusyon ang nagiging problema. Pero kapag hindi naman nasolusyonan eh lalong lalala.
Magkakadugtong talaga ang mga bagay bagay sa mundo. Parang isang domino. Lahat konektado. Lahat apektado.
No comments:
Post a Comment