Nung nagbrownout eh kumain na kami. Namiss ko yung kakain kami na flashlight yung nagsisilbing liwanag sa bahay. Tapos maingat kung gumalaw lalo na paakyat at pababa ng hagdan. Nakakatuwa talaga. Tapos pumunta kami sa terrace. Ang lamig! Ang sarap ng hangin. :) Tapos nakikita namin yung mga bata sa labas na naglalaro kasi mainit sa loob ng bahay nila. Nakakatuwa kasi naalala ko yung mga bata pa kami. Noong nagbrownout eh lumabas ang buo naming mag-anak pati yung mga kapitbahay tapos nagkwentuhan kami. Kaming bata eh naglalaro ng kung anu ano. Ang pinakamasaya eh yung nagtagutaguan kami. Ahaha! Ang saya talaga maging bata!
Sana maging bata ako ulit.
Yung walang inaalala.
Kaya nung biglang nagkailaw sa amin eh napasigaw rin kami ng kapatid ko ng "YEHEY!" :)) Ang saya kasi eh. :)
No comments:
Post a Comment