Wednesday, February 17, 2010

-_-

:| Hindi ko na alam gagawin ko. Namomoblema nako. Malaking problema. :|

Marami talaga akong problema. Hindi naman ako nauubusan nun eh.

Walang kaso sakin kung maraming proyekto na kailangang i-cram dahil halos nagkasabay sabay na yung pasahan at presentasyon. Ang problema ko eh Time Management. Hindi naman ako ganito dati eh. Kaya kong magmulti-tasking. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Siguro mahirap lang talaga kapag by group tapos bawat asignatura eh iba na naman kagrupo mo. Yung tipong hindi mo sila mahagilap sa nasabing araw at oras dahil may iba rin silang gagawin. Ayos lang sakin yun. Ganun din naman ako eh. Walang kaso sakin yun. Ang gusto ko lang sabihin eh sorry kung hindi ko masagot yung mga tinatanong sakin kung kailan meeting para sa ganitong project. Hindi ko lang talaga alam isasagot ko. Tsaka sorry kung hindi ko kayo masagot ng maayos tapos nasusungitan ko kayo. Hindi ko lang talaga alam. Naguguluhan pa ako.

Isa pa sa mga problema ko eh yung sa kuya ko. Mayroon kasi siyang pinapagawa sakin. Magdownload nito, magburn niyan, maglipat ng mga kanta sa usb. Ang akin lang naman, malaki ka na, kaya mo na yan. Marami din naman akong ginagawa at inaalala. Pagod nako talaga. Minsan naiisip ko na gusto ko muna mamahinga. As in mamahinga (figurative). Gusto ko muna lumayo. Kaya kapag nagkakaroon ako ng libreng oras eh nagmumuni muni at nagpapahinga ako. Kahit idlip lang ayos na. Nagmumuni muni ako para isipin yung mga bagay na hindi ko naiisip kailan lang. Iniisip kung ano na sunod kong gagawin. Nag-iisip ng kung anu-ano para istorbohin saglit ang magulo kong utak.

Ang aking malaking problema naman na matagal tagal ko ng prinoproblema. :| Hindi pa'ko dinadalaw (Kailangan talagang ilagay dito?!). Wala naman akong ginawang masama. Lagpas na kasi talaga ng isang buwan eh. Iniisip ko kung dahil ba sa stress ako kaya ganun. Pero iniisip ko rin na kulang nako sa red blood cells kaya ganun. Meron kasi akong kakilala na kulang sa red blood cells kaya puro white mens lumalabas sa kanya. Tapos sinalinan siya ng maraming dugo para bumalik na sa dati. Namumutla pa nga siya eh. Yung akin naman kasi, may mga sintomas na na malapit na. Andun yung ang lakas ko kumain, nagkakaroon ng pimples, masungit. Pero wala parin. Ayaw ko lang kasi ng delayed. Nakakatakot kaya. Hindi ako mapakali. Araw-araw kong inaabangan. Hay... Please lang talaga. Sana lang talaga datnan nako. :|

Tapos pahamak pa tong retainers ko. Nagpalit na kasi ako ng retianers. Maganda sana yung style pati color, kaya lang pangit kasi parang hindi ko sukat. Tumatama sa gums ko kaya medyo namamaga siya. Tapos ang sakit sakit niya sa panga kaya tinatanggal ko. Tapos gumamit ako ng pliers pati yung keychain ko na balisong. Kinalikot ko yung retainers. Inayos - o ginulo - ko yung wire. Tapos nagtatapyas ako ng ibang parte dun sa retainer. Ang resulta? Mas maayos. Komportable nako kahit papano. Kaya lang ang sakit pa rin sa ngipin kasi bago pa lang. Ang problema ko na lang sa retainer eh yung wire parin tapos kapag nagsasalita ako eh may tumatalsik na laway. Hala ka! Haha. Eh kasi may hindi siya dikit sa gilagid eh. Kaya may space sa taas tapos may hangin na dumadaan dun.. x_X Tsaka kung maiimpeksyon ba ako sa ginawa ko at kung may masama ba itong epekto sa mga ngipin ko. Sana wala naman. :|

At ang bago kong problema. Hindi ko alam kung bago kong problema. Magpalit na raw kasi ako ng number. Ayaw ko nga. Mahal ko masyado number ko. Ayos lang sana kung ipapagamit parin sakin eh, kaya lang hindi na. Wala namang kaso sakin ang mgapalit ng number sa cell, kaya lang kasi pakiramdam ko mawawala yung isang parte ng buhay ko. Sabihin na nating may sentimental value sakin yun. Yung na PUK nako pero naayos ko pa rin. Yung ang dami kong katext tapos tinatawagan ka pa. Wala lang. Maninibago na naman kasi ako eh.

No comments:

Post a Comment