Monday, February 1, 2010

Post- and Pre-Birthday Celebrations.!!!

Iyown! :)) Nakagawian na ng mag-anak na pagsabayin ang selebrasyon sa kaarawan naming tatlo ng pinsan kong kambal. Triplets nga tawag samin kasi magkakamukha kami. :P ang aming mga ina ay kambal din. Oh-ha?! :)) Kaya naman hindi nalalayo ang aming mga itsura. Ang kaarawan ng kambal ay laging nasa huling linggo ng Enero, samantalang ang akin ay nasa unang linggo ng Pebrero. Tatlong araw ang paggitan ng aming mga kaarawan kaya mayroong isang malaking salu-salo at ang gastos ay hatian.

Natutuwa ako kasi kaarawan na naman namin. Masaya dahil lumalaki na ang aking mga insan. Itinuturing ko na silang mga dalaga. :)

Kaya lang, nalulungkot ako. Ayaw kong tumanda. Noong bata ako, sabik na sabik ako tumanda. Gusto ko na magkaroon ng trabaho para hindi na ako nag-aaral. Pero iba na ngayon. Mas gusto ko maging bata. Nais kong manatili sa edad na labing anim. Bata at maraming oras.

Pagtumanda na kasi ako, mas marami akong responsibilidad na kailangang pagtuunan ng pansin. Habang lumalaki ako ay mas lumalaki ang aking mundo. Mga oportunidad sa isang lugar na hindi mo alam kung may mapapala ka. Hindi naman ako takot maging independente. Pumasok lang sa isip ko na sa mundo na ito walang permanente. Maaring marami ka ngang kaibigan ngayon, pero dadating ang araw na maghihiwalay din ang landas ninyo. Mga kani-kaniyang buhay at daan na kailangang tahakin. Takot ako mag-isa. Takot akong iwan ang iba at iwanan. Maaring andian sila ngayon, pero sa mga susunod na panahon ay wala na. O maaring ako ang mawala. Patuloy na tatanda at mawawala din baling-araw sa mundong ibabaw. Sa mundong nag-aruga sakin. Bata pa ako. Bata pa. Marami pa akong mga bagay na hindi pa nalalaman at dapat matutuhan.

Hindi ko alam. Ang alam ko lang, Masaya ako sa tuwing sasapit ang aking kaarawan. Mga tao na bumabati sayo ng maligayang kaarawan. Mga kahilingan na sana ay matupad. Pag-asa na laging naririyan. Maligayang Kaarawan. :)

No comments:

Post a Comment