Monday, February 1, 2010

Kuro-kuro

Nakasanayan na ng pamilya naming na nanunuod habang kumakain sa gabi. Sakto kasi na balita na kung kumain kami kaya naglagay na lang ng tv sa may kusina. Tapos kanina habang kumakain, tungkol kina Manny Pacquiao at Aling Dionesia yung balita. Ito ay tungkol sa pagsasanay ni Manny para sa kanyang nalalapit na laban kay Clottey at sa pagkikipagshowdown ni Aling Dionesia kay Imelda Papins sa concerto nito. Napaisip tuloy ako na bakit ba gusto nila subukan halos lahat ng pwedeng gawin sa showbiz? Sa opinion ko lang naman ano. Pero bakit kailangan pang magkaroon ng komersyal, movie, at kung anu-anong paraan para lumabas sa telebisyon? Hindi ako naiingit, excuse me! Ahaha. Tapos ngayon sasabak naman sa politika? Ano pa kayang balak nila tapos nun? Pero kung ako lang naman ang tatanungin, sa tingin ko ay hindi na dapat pumasok sa politika si Manny. Naniniwala ko na ang tao ay maaring umunlad ngunit hindi sa lahat ng bagay.

Eto pang isa. Tungkol ito sa mga pagsusuplong ukol sa nalalapit na eleksyon sa pamamagitan ng text. Ang isang mamboboto ay mayroong karapatan na ipaalam sa iba ang mga bagay na hindi na tama. Karapatan ng mga tao na magsalita, marinig at malaman ang mga nangyayari. Kaya lang, tapos magsumbong ng mga nagtetext na ito, anon g mangyayari? Ano na ang mga hakbang na ginagawa? Nalalaman nga ng iba pero may mga gumagawa ba ng hakbang kagaya ng mga otoridad sa mga tao na ‘to na nilulubag ang batas? Sana lang meron para maturuan ng leksyon ang mga pasaway na kandidato. B-)

No comments:

Post a Comment