...
Pano ko ba sisimulan?
Ang alam ko lang may nagawa akong 'di kanais nais. Mayroon akong sinira na pagkakaibigan. Ang pagkakaibigan naming dalawa at ng isa pa. Ang daldal ko kasi eh. May mga bagay ako na sinabi na hindi naman dapat. Akala ko kasi wala lang. Wala talaga akong kwenta. Ayan tuloy, nagkandalabo labo na.
Pano nga ba nagsimula?
Nagtanong ako. Naghanap ako ng mga kasagutan sa mga tanong na gumulo sa aking isipan. Nasagot ang mga iyon kaya lang hindi ko inakala na tatanungin din ako kung bakit ko tinanong ang mga iyon. Bumalik sakin bigla yung mga tinanong ko. Wala naman akong nagawa kasi hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi rin sabihin. Kaya sinabi ko na. Ang mali ko, galing sakin. Wala naman akong katibayan. Wala akong karapatan. Sino ba ako para sabihin yun?
Ang kapal din ng mukha ko eh. Naiinis ako sa mga tao na pinangungunahan magdesisyon ang ibang tao, eh ako rin naman ganun. Pinangungunahan ko yung tao eh may sariling diskarte yun.
Parehas ko silang mga kaibigan. Gusto ko pantay ang pakikitungo ko sa kanila. Kaya ko nasabi sa isa ay dahil nasa isip ko na dapat walang tinatago. Kaya lang mali parin eh. Maling mali ako sa pangagatwiran. Ano bang pakialam ko eh personal na buhay na nila yon? Hindi ko dapat ginawa yung bagay na yon. Hindi ko dapat pinakikialaman ang desisyon, diskarte at personal na buhay ng kaibigan ko na iyon. Wala akong karapatan. Wala.
Parehas ko na silang nakausap. Pero hindi ko parin alam ang gagawin ko. Yung isa malungkot dahil sa ginawa ko. Alam ko at sigurado ako sa nakita ko sa kanyang mga mata. Mukhang naluluha. Ang kanyang boses na halatang nangangatal. Hindi ko dapat ginawa yon. Pano na ngayon? Sira na ang pagkakaibigan namin. Kahit na mabalik pa yon, hindi na rin maalis yung point na sinaktan ko siya. Atsaka mababawasan narin yung tiwala niya sakin. Dapat talaga hindi ko na lang nalaman eh, para hindi ko na rin sinabi. :|
Yung isa naman hindi ko rin masisisi. Kasi curious na yung tao sa pinagtatatanong ko. Kaya hindi na ako pinakawalan. Ngayong alam na niya, pano na? May magbabago kaya? Sana wala.
Gusto ko lang sabihin punto ko kahit na alam kong mali.
-Kung gusto mo siya edi sabihin mo. Huwag mong pinahihirapan yung sarili mo. Huwag mong sinasaktan yung sarili mo. May mga pagkakataon lang kasi na nasasaktan din ako kasi kaibigan kita. Kaibigan ko kayo.
-Karapatan din ng tao na yun na malaman. Siya rin kasi mahihirapan eh. Siya yung pinakaapektado. Siya yung maiipit. Kaya mabuti nang alam niya. Kasi nasa kanya at nasa kanya din ang desisyon eh. Isa pa, naniniwala ako na hindi imposible na mahalin ka rin niya.
Tama ba ang ginawa ko na sinabi ko? Kasi naman eh. Ang daldal ko talaga. Wala naman akong pruweba na siya nga yung tinutukoy. Pero sinabi ko parin. Hay nako!
Ngayon, pano na? Ewan ko. Mananahimik nako. Ayaw ko nang makasakit dahil sa kung anu-anong lumalabas sa bibig ko. Lagi namang ganyan eh. Dahil sa maingay kong bunganga ay nakakasakit nako.
Sana mamaos ako. :| Ayaw ko na talaga. Ang bigat sa pakiramdam.
Kanina, nakatulala lang ako. Tahimik. Ibang iba sa maingay na ako. Sabi nila huwag na akong malungkot. Sabi ko naman hindi ako malungkot. Sabi nila ba't ako umiyak? Hindi naman ako umiyak eh. Teary-eyes lang talaga mga mata ko. Pero nagi-guilty ako. Sobra!
Buti kasama ko si Dyryl pauwi. Kahit papano nahila niya ang aking kamalayan mula sa kawalan. Masaya ako sa bung biyahe at salamat sa kanya. Tapos pag-uwi ko eto na naman. Balak ko sanang bumili ng 1.5L ng coke. Tapos ako lang uubos nun. Nung HS kasi ako eh ginawa na namin yon. Puro lang coke. Ang bigat sa tiyan. Puro na ata acid. Tapos ang sakit sa lalamunan kakadighay. :( Miss ko na sila. Miss ko na mga pinaggagagawa namin noon.
Pero imbis na coke eh yung natitirang 1/3 na pitchel ng melon juice na lang nilaklak ko. Ang bigat din sa tiyan. Hindi ko na kaya ang matatamis. Basta gusto kong uminom. Una dahil dehydrated nako at pangalawa ay dulot ng aking ways on how to handle my depression. Ang lakas ko kumain. Napadalawa tuloy ako ng order tapos may extra rice pa. Maliit din kasi yung kanin eh.
Pano na ngayon? Sana maayos ang lahat.
Ang hirap. Ang hirap talaga. Malungkot kapag hindi kumpleto. :(
B-Kath:: Miss na kita! Miss ka na namin! :(( Hindi ako sanay na tahimik. :| Hindi ko alam kung paano paiingayin ang paligid gaya ng pagpapaingay mo dito.
Bee:: Hindi rin ako sanay na tahimik ka. :(
Julie:: Hindi ka na namin nakakasama. Kakapasok mo pa nga lang eh.
Ken:: Kailan ba tayo makukumpleto ulit? Miss ko na kayo. :(
Sorry. Sorry. Sorry sorry. SORRY TALAGA. :(
np: Nakapagtataka ng Spongecola
No comments:
Post a Comment