Kahit na anong gawin
Di pa rin mawala sa aking isip
Gumagawa ng paraan upang makalimot
Ngunit hindi kaya ng sakit na nasa dibdib
Mabuti na ang manakit ng pisikal
Kahit papano ito ay nawawala
Ngunit ang sakit sa dibdib
Mahirap na alisin
Nakikinig sa mga awitin na masaya
Ngunit di pa rin mapawi ang lungkot
Mga kanta na nagpapaalala
Sakit na nagawa sa isang kaibigan
Nagmumuni muni
Muling hinahanap ang sarili
Nasaan ka na nga ba?
Muling nagpalamon sa kawalan
Ayaw lumabas ng boses
Takot na makapanakit
Ayaw naring makinig
Sarado na ang isip
Kung pwede lang sana
Ako mismo magbubura
Mga masasakit na alaala
Ayaw ko na ulit makita
Kung pwede lang talaga
Babawiin ko ang mga binitawang salita
Aalisin ang mga di kanais nais
At mapapait na alaala
Turukan niyo ako ng anestisya
Kailangan ko iyan
Di ko na ata kaya
Mananatili na lamang bang ganito
Kahit na ano pa man ang gawin?
Di pa rin mawala sa aking isip
Gumagawa ng paraan upang makalimot
Ngunit hindi kaya ng sakit na nasa dibdib
Mabuti na ang manakit ng pisikal
Kahit papano ito ay nawawala
Ngunit ang sakit sa dibdib
Mahirap na alisin
Nakikinig sa mga awitin na masaya
Ngunit di pa rin mapawi ang lungkot
Mga kanta na nagpapaalala
Sakit na nagawa sa isang kaibigan
Nagmumuni muni
Muling hinahanap ang sarili
Nasaan ka na nga ba?
Muling nagpalamon sa kawalan
Ayaw lumabas ng boses
Takot na makapanakit
Ayaw naring makinig
Sarado na ang isip
Kung pwede lang sana
Ako mismo magbubura
Mga masasakit na alaala
Ayaw ko na ulit makita
Kung pwede lang talaga
Babawiin ko ang mga binitawang salita
Aalisin ang mga di kanais nais
At mapapait na alaala
Turukan niyo ako ng anestisya
Kailangan ko iyan
Di ko na ata kaya
Mananatili na lamang bang ganito
Kahit na ano pa man ang gawin?
No comments:
Post a Comment