Iyon. Ang saya naman ng araw na to. Maraming magagandang nangyari. Isa na dun yung bati na kami ng kaibigan ko na nagawan ko ng masama. Napaluha - hindi umiyak - lang ako kasi natatakot talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko sinira ko yung buhay niya. Yung isa sa mga rason kung bakit siya nabubuhay - o pumapasok at nag-aaral? :P Peace. Bati na kami eh.
Yung isa pa eh dahil sa...ewan ko, basta masaya lang ako. Siguro dahil napuntahan ko na yung dentist ko para palitan na yung retainer ko. Matagal tagal na rin akong may reklamo tungkol dun eh. :P Isa pang dahilan eh yung maaga akong umuwi tapos kasabay ko ulit si Bee! >:D< Cheers! Achievement sakin to. :P Namiss kong umuwi nang maaga tapos may tatambad na mga gawain sakin. Para naman naigagalaw ko katawan ko. :P Ehersisyo din yun. ;)
Meron din yung tungkol sa tita ko. =)) Natatawa ako na natutuwa. Nagkaroon kami ng deal. :)) Basta sikreto yung deal. Gusto kong manalo sa deal kaya lang kasi... Ayoko rin isipin kasi masyado akong natutuwa kaya lang parang gusto ko rin magpatalo sa deal. Ang rason, dahil...
*baka simula ngayon ay lagi ko nang bibitinin ang ilan sa mga detalye :P*
Natawa rin ako sa nanay ko dahil sa deal na yon. Grabe siya makareact. Parang mas gusto niyang manalo ako pero halata naman sa kanya na mukhang imposible lalo pa nung nagtanong siya kung sino yung kausap ko. Akala niya si Bee pero sabi ko iba. :)) May tumawag kasi sakin. Nagkataon naman na nung tumawag siya eh pumasok mama ko at para kong tanga na nagsasalita. Normal na naman iyon kasi tinatawagan din ako dati ng mga kabarkada ko kaya lang kasi sabi ko lalaki tapos secret. :P :)) Tapos nagpasimple pako para magkaroon na sila ng hint. :P Sabi pa ng tita ko ayos lang daw yun basta wag magpaparehistro sa... Weird nga nung term eh. May pagkaintellectual joke. :P
Hay nako. Basta basta natatawa ako. >:]
Isa pa eh dahil sa bukod samin ng kaibigan ko na nagbati, meron pang iba! Cheers ulit! :D Bati na sila! Yehey! Tapos malakas ang pakiramdam ko na makukumpleto na ulit kami. ;)
Ang dami talagang nagbabago. Kahit na may mga problema nung una, darating din yung panahon na masosolusyonan mo ito. Mga pagsubok lang ito na binigay satin. Hindi ako sigurado sa mga rason kung bakit. Pero para sakin, may iba pang dahilan. Yun ay para ipaalala satin ang pagiging tao. Na mga mortal tayong nilalang at kinakailangan din natin maging mapagkumbaba. :) At sa buhay, mararanasan talaga natin yung lungkot pero tapos nun ay saya. :) At sabi nga sa refleksyon sa Theology class namin, kapag nasa tuktok na ang pakiramdam mo ng tuwa kailangan mo namang bumaba kasi wala nang itataas pa yun. Kaya kinakailangan ding malungkot tapos tapos nun ay pataas na naman para sumaya ulit. :)
PS. Matatawag mo ba na colonial mentality ang aking mga blog dahil sa Ingles ang pamagat ngunit Filipino ang nilalaman?
At ang laki na ng eyebags ko. Kaya matutulog nako. Hala sige, lights off na. Maaga pa raw kami bukas. Sana matuloy yung swimming namin magiinsan. Kaya lang wala naman akong damit kung biglang matuloy kasi hindi kami nakapagdala. :P Hay buhay. Basta pakasaya na lang tayo! :D
No comments:
Post a Comment