Ewan ko. Naguguluhan ako.
Parang tama pero para ding mali.
O kaya Hindi mali hindi rin naman tama.
Ewan ko. Bakit ba kasi ganito? Ang gulo ko. Sobrang gulo.
Parang gusto ko muna pumunta dun sa tambayan ko. Umiyak, tumawa, tumunganga. Kung pwede lang sana eh.
May mga bagay lang kasi talaga na nandian lang pero hindi mo mapuntahan. Hindi dahil sa tinatamad kundi dahil sa hindi na pwede.
Hindi ko na naman kilala sarili ko.
Kanina ko pa gustong umiyak. Kaya lang ang babaw ko masyado.
Wala akong mahanap na matinong dahilan kung bakit ako iiyak. Basta ganito lang ako.
May mga pagkakataon na hindi ko lang talaga kinakaya. Biglang bubuhos tapos ayun na.
Parang ilog na patuloy sa pag-agos.
Bakit ba hindi na lang ako naging hayop? Ewan. Magulo talaga ako.
Para kasing wala silang pinoproblema.
Nako, ang sama ko. Bgla kong naalala yung hamster ko na hindi pa kumakain.
Ayan na naman. Problemado na naman ako. Palpak na naman.
Bakit kasi hindi na lang ako magkaroon ng mga pakpak?
Gusto kong lumipad!
Pupunta ako sa isang lugar na malayo.
Malayong malayo na hindi ko na maaalala kung ba't ako lumilipad at kung san ako pupunta.
Parang ang dami kong obligasyon at responsibilidad pero hindi ko alam kung anong uunahin ko.
Kung san ako magsisimula.
Para akong isang manunulat na puro lang burador ngunit wala namng pinatutunguhan.
Isang pintor na mali ang ginamit na mga materyales.
Isang mang-aawit na walang boses.
Parang.. Parang...
Parang walang patutunguhan.
May mga bagay na nais mong simulan ngunit hindi mo alam kung may patutungahan ka.
Parang isang piloto na nagpapalipad ng eroplano ngunit walang lugar kung san siya pwede maglanding.
Parang...
Ang dami kong gustong sabihin pero nauubusan ako ng mga salita.
Parang hinahantay ko na lang ang sarili ko na mapadpad sa kawalan.
Magtungo sa aking mundo na hindi makatotohanan.
Kung san ang mga bagay bagay ay...
HayYy..
Nauubusan nako ng mga salita. Bigla akong napuputol.
Wala akong mahanap na salita sa aking isip.
Parang biglang nagsara.
Ayaw na ako papasukin kasi wala na akong makukuha o makikita pa.
Ewan.
Kung minsan, ang buhay ay parang...
No comments:
Post a Comment