Monday, February 1, 2010

Maskara

Gabi na. Parang walang pasok bukas ah. Wala na naman akong magawa. pero kanina, nagbasa ako ng mga blog. Nalungkot ako bigla. Pakiramdam ko hindi ko pa sila talaga kilala. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Lalo na ngayon na may kasalukuyan akong itinatago. Ayaw kong ipagsabi o sabihin. Ewan ko. Ayaw ko lang. Pakiramdam ko kasi iiyak ako kapag sinabi ko eh. :| Pero gusto ko rin talaga sabihin. Ewan ko. Ang gulo ko di'ba?

Sa mga blog na nabasa ko na. Narealize ko na yung mga tao na nakikita ko araw araw, kung pano sila makisalamuha, magsalita, gumalaw, at kung anu-ano pa, iba rin pala kapag naandun na sila sa mga lugar o kasama nila yung mga tao na nakakapagpasaya sa kanila talaga. Nagkakaroon sila ng sense of security. Ay hindi pala. Basta lumalabas yung pagiging tao nila. Nasasaktan. Umiibig. Umiiyak. At marami pang iba.


Nalaman ko na eto pala sila. Ganito sila. Ganyan. Hindi ko maipaliwanag eh. Alam mo yung nakakasalamuha mo sila araw-araw pero may iba pa rin? Basta para akong pumasok sa kanilang sikretong mundo. Mundo na di mo aakalaing nabubuhay. May mga natuklasan nga ako sa kanila eh. Mga pinagdaanan nila na nakakatuwa at nakakalungkot. Talagang sa buhay may mga problema. Hindi naman nawawala yun eh. Pero nakakatuwa malaman kung paano nila ito nalutas o mga problema na aking nais abangan upang malaman kung paano nila ito lulutasin. Maituturing ko sila na mga daan patungo sa mundo na kakaiba.

Napaisip tuloy ako. Bakit ganito ako. Kung ano naman nakikita sakin ng mga tao pagkasama nila ako eh ako yun talaga. Pero kapag naandun ako sa lugar kung san ako masaya, bigla na lang na napapaisip ako kung naging ako nga ba ako. Parang ipinapakita ko nga kung sino ako pero may parte parin sakin
na nasa dilim. Ayaw magpakita. Ayaw magpakilala. Nakamaskara. Basta gusto nitong parte ko na 'to na magtago. Ngunit lalabas sa tuwing nararamdaman ko na hindi ko na kaya. Yung tipong sasabog na yung nasa likod ng maskara. Kapag pakiramdam ko na tao rin ako.

Ano nga ba ito? Ewan ko. Isa itong anino na alam kong nariyan. Minsan nasa harap. Minsan nasa likod. Pero hindi ko matiyak minsan kung nasaan. :| Siguro nga dahil sa maskara. Hindi ko na minsan napapansin pag nandian. Bigla na lang bubulaga pagtanggal ng maskara.






No comments:

Post a Comment