Hoho! Wala lang. Gusto ko lang. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta bigla na lang na sumasama na ako sa mga GG ng dota boys, pero ngayon binibinyagan ko na sila bilang GG Boys. =)) amp. GG stands for Garena. Pero bakit dalawang G? Garena garena ba yan? Parang macarena lang ah. :P
Napa GG lang naman ako talaga dahil sa napagtanto ko na gusto kong mapalevel up yung account na gamit ko. Sayang din naman kasi. Atsaka bago na kasi features ng GG kaya hahayaan ko muna yung mga mata ko matuwa sa bago nitong itsura hanggang magsawa. :P
Hay.. Gusto ko lang ibahagi na stress ako ngayon. Nagmula ako sa emotional stress tapos ngayon physical stress. Ang dami pala naming mga proyekto. Yung iba malapit na deadline. Tapos yung iba ang hirap naman alamin kung anong uunahin ko sa mga yun o mas bibigyang importansya. Lahat yun nangangailangan nang aking pagpapahalaga. =)) Basta ang alam ko kulang ako sa tulog. Natutulog na nga ako sa byahe ngayon eh, na hindi ko naman ginagawa dati.
Tapos eto na nga. Kahapon atska kani-kanina lang, nagkasinat ata ako. Basta ang init init ng pakiramdam ko kahit na nakatapat na sakin yung bintilador. Hindi ako pinagpapawisan. Basta ang init, yung tipong magkakalagnat nako. Tapos sumasakit yung mga mata ko. Wah! Ayaw kong magsalamin! Di bagay. -_- :)) Basta kapag kumikirot na mga mata ko nahihirapan ako tumingin eh. Lumiliit yung mga mata ko. Tapos eto pa ngayon. Ang sakit ng likod ko. Sa may balikat pa naman banda. Makirot siya nung nag-unat ako. Tapos kumikirot siya kahit na nagtatype lang ako. Ang sakit niya. Kailangan ko ng masahe. Nabigla lang siguro ulit yung katawan o buto ko. Ahaha. Ayon nga pala, nangyari lang to pagkatapos mag GG. Kaya hindi nako sumali ulit kasi masakit siya. Ihihiga ko na lang muna habang nag-iisip kung pano ko aayusin sked ko sa paggawa ng mga proyekto namin.
PS. HmMm.. Kailan nga ba? Nagsabi nako ng oo eh. Wala namng masama diba? Takot ko lang kasi wala naman akong alam sa mga ganun. :P It's a date. x_X
No comments:
Post a Comment